TINIYAK ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang P5.768 trilyon, 2024
National Budget ay gagamitin ng pamahalaan sa nararapat na mga proyekto at serbisyo
sa bayan.
Sagdag pa niya na ito (ang 2024 national budget), ay nagmula sa pawis ng mga
mamamayan kaya dapat lang na ito’y gamitin ng tama.
Idiniin pa ng Speaker, “Ito ang ginagawa natin ngayon dito sa mga budget hearing sa
Kongreso, to make sure walang masayang sa buwis na binayad ng mga tao, kaya we
have to scrutinize every peso and every centavo na hinihingi ng ating mga ahensya.”
Sa naturang budget, number one ang Department of Education (DepEd) na may P924.7
bilyon, sumunod ang Department of Public Works and Highways (DPWH) , P822.2
bilyon; at ikatlo ang Department of Health (DoH) P306.1 bilyon, mas mababa kaysa
P314.7 bilyon na budget noong 2023.
Samantala, sa isang budget hearing sa Senado, kinuwestiyo ni Senador Francis
Escudero kung bakit daw ang badyet sa flood control ay P255 bilyon, mas mataas
kaysa agrikultura na P181 bilyon lamang, sa national defense na P232.2 bilyon, at sa
social welfare na P209.9 bilyon?
Mas mahalaga raw ba ang flood control kaysa pagde-depensa ng bansa sa harap nang
lumalalang mga insidente ng harassment ng China sa West Philippine Sea?