33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

BSK Elections: Botante sa 10 Taguig barangays, hindi makaboboto?

LABIS na nag-aalala ang mga botante sa 10 barangay na kalilipat lang sa Taguig City
mula Makati City, na baka raw hindi sila makaboto.


Pinakalma sila ng Commission on Elections (Comelec) noong Biyernes dahil sa
magiging epekto nang paglilipat dahil sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK)
Elections na nakatakdang ganapin sa Oktubre 30.


Ayon kay Comelec Spokesman John Rex Laudiangco handa raw silang ipatupad ang
desisyon ng Korte Suprema at titiyakin nilang magiging maayos ang darating na
eleksyon.


Sinabi pa ni Laudiangco na ang 10 apektadong barangay na Cembo, Comembo, East
Rembo, Pembo, South Cembo, West Rembo, Pitogo, Rizal, Northside, at Southside, ay
ililipat nang lansakan ang mga rehistradong botante nito sa Taguig.

BASAHIN  91-m botante, susugod sa okt. 30 BSKE


Idiniin niya na ang kaunting pagbabago sa disenyo ng official ballot – ang pangalan
lamang ng lungsod na Taguig City ang naka-imprenta, sa halip na Makati City.


Sisirain daw ng Comelec sa harap ng publiko ang mga naimprentang balota sa 10
barangay na nagtataglay ng “Makati City”.

Makukumpleto raw ang pag-i-imprenta ng 300,000 karagdagang balota sa loob lamang
ng dalawa hanggang tatlong araw.

BASAHIN  BSK officials, ipagpatuloy n’yo ang trabaho – Tolentino

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA