33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Opisina ni Teves sa Kongreso, ipinasara na

SINABI ni House Secretary General Reginald Velasco, dapat nang bakantehin ang
opisina sa Kamara ng pinatalsik na si Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr.


Ito ay matapos magpadala ng pormal na notice sa tanggapan ni Teves noong Huwebes,
na nagsasabing hindi na siya miyembro ng Kamara, kaya kailangang bakantehin na ang
kanyang opisina.


Ayon sa ulat, ang botong 265 na mambabatas ay higit pa sa two-thirds vote na
kinakailangan para patalsikin ang isang miyembro nito.


Habang nasa ilalim pa ng suspension order noon si Teves, si Speaker Martin
Romualdez ang tumayong caretaker ng distrito ni Teves.


Idinagdag pa ni Velasco na ang liderato ng Kongreso ang siyang gagawa ng desisyon
kung sino ang hihiranging caretaker ng nabakanteng distrito.

BASAHIN  Mga kongresista, walang bakasyon


Dahil co-terminus ang staff ni Teves, pwede naman silang kunin uli o i-rehire ng
panibagong caretaker.


Dahil sa kakulangan ng panahon at pondo ng Comelec, imposibleng magkaroon ng
special elections para sa nabakanteng pwesto, pagtatapos ni Velasco.

BASAHIN  People Power 3 ‘pag natuloy ang Cha-cha? — D30

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA