33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Sonza, hindi pa ‘laya kahit ibinasura ng korte ang mga kaso

DAHIL sa ilang ulit na hindi pagsipot ng complainants sa korte, ibinasura ng Quezon City (QC) RTC Branch 100 ang mga kasong large-scale illegal recruitment laban kay Jay Sonza, dating brodkaster.

Ayon kay BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera dinismiss din ng QC RTC Branch 215 ang kasong illegal recruitment laban sa dating brodkaster.

Sa desisyon na inilabas ni Presiding Judge Editha Mina-Aguba kahapon, inutusan nito ang jail warden ng male dormitory, QC Jail facility – na kung saan nakapiit si Sonza – na maaari na itong pakawalan maliban na lang kung si Sonza ay may kinakaharap pang ibang kaso.

BASAHIN  Heart, taob sa P37.8-M necklace in Glaiza

Matatandaang hinuli ng mga ahente ng Bureau of Immigration si Sonza sa Ninoy Aquino International Airport noong Hulyo 18 habang papunta sa Hong Kong, dahil sa mga nakabimbing kaso. Nai-turn over siya sa National Bureau of Investigation at inilipat sa QC Jail noong Agosto 3.

Samantala, mananatili pa rin si Sonza sa kulungan dahil sa kinakaharap pa nitong kasong libel sa QC RTC Branch 77.

BASAHIN  COMELEC, nakatanggap na  ng inisyal na kopya ng mga lagda para sa People's Initiative

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA