33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

3 tulak timbog sa Malabon

KULUNGAN ang bagsak ng tatlong drug suspek matapos makuhanan ng mahigit P2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng Malabon City Police, Martes ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jonathan Tangonan, ang mga suspek na sina Raymond Sabado, 23-anyos, fish vendor, residente ng Brgy. Longos; Reydan Velasco, 45-anyos, construction worker ng Dagat-Dagtan, Brgy. 14; at Jhonatan Balote, 27-anyos, shuttle van driver ng Salmon St., Brgy. 8, ng Caloocan City.

Sa report ni Col. Tangonan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito Gapas, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng impormasyon hinggil sa iligal na gawain ni Sabado at Velasco kaya isinailalim nila ang mga ito sa surveillance.

BASAHIN  San Juan Mayor hinamon ang nagpakalat ng 'ayuda scam'

Nagsagawa ang SDEU ng buy bust operation sa Dr. P. Lascano St. corner P. Aquino St., Brgy. Tugatog na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek nang bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang poseur buyer.

Nakumpiska sa suspek ang nagkakahalagang P200,000 shabu at kasalukuyang nakakulong ngayon sa Malabon  detention cell. 

BASAHIN  Wanted sa Muntinlupa City, arestado sa Parañaque

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA