MASAYANG sinabi ni dating Education Secretary Leonor Briones na isang malaking
karangalan na itinuloy ni Vice-President at DepEd Secretary Sara Duterte ang mga reporma sa
edukasyon na pinasimulan niya noon.
Kaugnay nito, inilunsad ng ahensya noong Huwebes ang bagong curriculum mula
Kindergarten hanggang Grade 10 o ang MATATAG Curriculum. Nilalayon nito na tugunan ang
pagkukulang ng dating curriculum at matutong mabuti ang mga estudyante.
“This is a continuation of the curriculum review that was an integral part of my ten-point
program when I was Secretary of Education,” ayon pa kay Briones.
Si Briones ay naglilingkod ngayon bilang director ng Southeast Asian Ministers of Education
Organization Regional Centre for Educational Innovation and Technology o Seameo-Innotech.
Nagsimulang rebyuhin ang K-to-12 curriculum ng panahon ni Briones, sa ilalim ng
Administrasyong Rodrigo Duterte.
Samantala, ayon kay Sara Duterte, positibo sila na ang bagong curriculum ay makapagbibigay
ng makabuluhang learning experience na magpapahusay sa kanilang talino, kasanayan at
talento, at maihanda sila na maging “well rounded, mature individuals.”
Ang pagpapatupad ng bagong K to 10 ay magsisimula sa 2024-2025 school year sa ilang
piling paaralan sa NCR, Luzon, Visayas, at Mindanao.