33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

Barbara Perez: Kinaiingitan sa matagal na panahon

“AUDREY HEPBURN of the Philippines”, ito ang bansag kay Barbara Perez hindi lang dahil
sa kanyang 19-inch na bewang, nakahihigit dito ang kanyang maamong mukha, mapang-
akit na mga mata, tila-swan na leeg, at mabuting karakter.


Si Perez – na naging misis ni Robert Arevalo (1938-2023) – ay unang lumabas sa 1962
Hollywood movie na No Man Is an Island, sa isang starring role kasama sina Jeffrey Hunter,
at Marshall Thompson.


Ang No Man Is an Island ang natatanging English-language American film na ang setting ay
sa Guam, pero sa halip na Chamorro (ang wika ng natives doon) ay Tagalog ang dialog ng
Filipino supporting cast. Ang buong shooting ng pelikula ay ginawa sa Pilipinas.


Dahil sa kanyang husay umarte at ang hatak ng kanyang maamong mukha sa mga
manonood, pinapipirma si Perez ng five-film contract, na kanyang tinanggihan, dahil buntis
siya noon sa anak ni Robert. Idinagdag pa niya na kaya lang siya pumayag na lumabas sa
film ay dahil gusto niyang makapunta ng Amerika para makita ang paborito niyang
Hollywood stars.

BASAHIN  Dollar reserves ng bansa, bumaba sa US$99.8-B nitong Hunyo


Lumabas din sa pelikula ang national artist na si Lamberto V. Avellana (Mr. Shimoda), Vic
Silayan (Major Hondo), Chichay (Mrs. Nakamura), Bruno Punzalan, at iba pang kilalang
Filipino artists noong 60s.


Ang FAMAS Awardee na si Perez ay lumabas sa mahigit 75 films, at ilang TV shows at TV
series na Budoy (2011) at Kahit Puso’y Masugatan (2012) ng ABS-CBN. Noong 2018,
bumalik siya sa GMA7 sa seryeng Sherlock Jr.

Nagluluksa ngayon ang pamilya ni Perez dahil sa pagkamatay kamakailan ni Robert sa
edad na 85. Kapuripuri ang pagsasama nila na tumagal nang mahigit 60 taon.


Sana, gumawa ng pelikulang Robert Arevalo-Barbara Perez Story. Tiyak na malaking
tulong ito para magkaroon ng patuloy na respeto sa isa’t isa ang mag-asawa para tumagal
ang kanilang pagsasama.

BASAHIN  ‘Exercise sama-sama’ ng UK Navy atbp.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA