AABOT sa P2 milyon pati na ang iba pang benepisyo ang tatanggapin ng mga line worker sa
power industry.
Ito ang buod ng panukalang batas na inihain ni Senador Jinggoy Estrada ang Line Workers
Insurance and Benefits Act o Senate Bill (SB) No. 2343.
Ayon sa SB 2343, aatasan ang private distribution utilities (PDUs), electric cooperatives (ECs),
at transmission o grid operators na magbigay ng life at accident o disability insurance,
retirement, mortuary at disability benefits para sa mga electrical linemen mula sa simula ng
kanilang pagtatrabaho hanggang sa kanilang pagbibitiw, o pagreretiro sa serbisyo.
Saklaw ng insurance ang mga kawani base sa sumusunod na klasipikasyon: P200,000 para
sa maliliit na electric cooperatives, P400,000 sa medium-sized, P600,000 sa large, P800,000
sa extra-large at P1 at milyon sa mega-large na kooperatiba.
Para sa mga transmission o grid operator, ang minimum na insurance coverage ay P2 milyon
at P1.5 milyon naman sa mga nasa PDUs, ayon sa mambabatas.
Ibabalik ang ginastos sa pagpapagamot kung namatay, naaksidente, nagkaroon ng
kapansanan o pinsala na natamo sa line of duty.
Ayon pa kay Estrada, bukod sa karaniwang electrical line workers, sakop din ng SB 2343 ang
crew members, drivers at katulong na direktang responsable sa pagtatayo, pagkakabit,
pagpapanatili, reconstruction at pagkukumpuni ng overhead transmission at pamamahagi ng
mga electrical system kasama na ang mga underground cables, electrical substations at iba
pang kaugnay na kagamitan at pasilidad.
Hindi nilinaw kung kukunin sa sahod ng mga empleyado ang premium para sa imsurance.