33.4 C
Manila
Monday, July 1, 2024

Cesar, Sunshine, magkakabalikan kaya?Kasong rape vs Montano, iniurong na?

MASAYANG binati ni Sunshine Cruz ang ex-husband na si Cesar Montano noong Agosto 4.
Ika-61 taong kaarawan ng aktor noong Agosto 1.


Kumpleto ang tatlong magagandang anak nila ni Sunshina na sina Angelina Cruz, Sam Cruz,
at Chesca Montano.


Ibinahagi ni Sunshine sa kanyang Instagram story ang larawang kuha sa birthday, kasama ang
smile, cake, at balloon emojis, na may caption na: “Happy birthday to the father of my three
beautiful princesses!!!


“May God bless you more! Cheers! @cesarbuboymontano”, tugon ni Cesar sa ex-wife.


Sa ngayon, malayo ang espekulasyon ng fans na magkakabalikan na ang dating mag-asawa
dahil nagsasama pa rin sina Buboy ang kanyang live-in partner na si Kath Angeles.

BASAHIN  Pope Francis inalmahan ng African Bishops: same-sex union ‘labag sa utos ng Diyos'


Matatandaan na noong 2013, inireklamo ni Sunshine ang dating asawang si Cesar ng marital
rape, physical and psychological abuse sa Quezon City Prosecutor’s Office. Ito raw ang nangyari noong Mayo 12, 2013.


Bukod sa marital rape, inakusahan din si Cesar ng paglabag sa R.A. 9262 o ang Anti-Violence
against Women and Children’s Act of 2004, na nagsabing palagi siyang isinasailalim sa
emosyonal at pisikal na pananakit magmula Enero ng 2013.


Hindi pa malinaw ngayon kung na-dismiss na ang kaso o iniurong na ito ni Sunshine.

BASAHIN  Hirit ng ekonomista: Foreign restrictions sa konstitusyon alisin

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA