LUBHANG nababahala ang ilang grupo, lalo na ang United States embassy sa Maynila dahil
sa isang Chinese company na kinontrara para mag-reclaim sa Manila Bay.
Noong Biyernes, sinabi ni Kanishka Gangopadhy, US embassy spokesperson, na nababahala
sila dahil sa pangmatagalan at permanenteng pagkasira ng kalikasan sa Maynila at kanugnog
na lugar, pati na rin sa pagnenegosyo dahil sa reklamasyon.
Ayon naman sa World Bank (WB) at Asian Development Bank (ADB) blacklisted ang China
Communications Construction Co. (CCCC) dahil sangkot ito sa mga mapanlinlang na
pagnenegosyo, pati na rin sa militarisasyon sa mga isla ng West Philippine Sea.
Ayon sa mga grupong makakalikasan, hindi dumaan sa teknikal na pag-aaral ng Department
of Environment and Natural Resources (DENR) pati na nang detalyadong pagsusuri ng
Philippine Reclamation Authority (PRA) ang proyekto, kaya malaki ang posibilidad na maka-
perhuwisyo ito sa kalikasan, lalo na sa mga tao.
Noong 2020, inilabas ng US Commerce Department ang listahan ng blacklisted companies na
pag-aari ng pamahalaan ng China. Ito’y dahil sa hindi makatwirang pagnenegosyo at
pagkakasangkot sa militarisasyon sa South China Sea; kasama rito ang CCCC.
Dahil dito, pinag-aaralan ng DENR kung babawasan ang reklamasyon sa Manila o pipigilan
muna ang implementasyon nito habang hindi pa lumalabas ang mga pag-aaral sa epekto sa
kalikasan.