4 BSP officials, sumusweldo ng P114-M Isang taon Mga obrero, P610 lang kada araw

0

FORTY PESOS!


Tila namatayan ang mga obrero sa buong bansa nang ipahayag kamakailan na P40 lang ang
dagdag-sahod, at ang minimum wage ay P610 lang kada araw sa Metro Manila.


Para sa mga obrero. ang executives ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang
pinakamaswerte sa buong planeta, dahil milyun-milyon kada buwan ang sweldo nila, sa
kaunting hirap lang.


Inilabas kamakailan ng Commission on Audit (CoA) ang listahan ng mga opisyal ng gobyerno
na may pinakamalaking sweldo sa 2022, na may kabuuang P114.473 milyon sa apat na may
pinakamataas na posisyon.

Nanguna si dating BSP governor Felipe Medalla na may net pay na P34.173 milyon noong 2022. Barya lang ito kung ihahambing sa sweldo ng Pangulo ng bansa na ₱399,739 noong 2022.

Ayon sa CoA 2022 Report on Salaries and Allowances (ROSA), na nasa kanilang website,
lomobo ang sweldo ni Medalla nang 56.5 percent o P12.342 milyon mula P21.831 milyon
noong 2021.
Ikalawang pinakamataas na sweldo sa gobyerno si Finance Secretary Benjamin Diokno, na
may net pay na P28.781 milyon.

Ikatlo si BSP Monetary Board member (MBM) Anita Linda Aquino, P26.362 milyon, na dating
P21.426 noong 2021.


At ikaapat si MBM Victor Bruce Tolentino, P25.679 milyon, mula sa P23.292 noong 2021.
Tanging si Diokno lamang ang bumaba ang sweldo noong siya’y BSP governor mula P12
milyon (2021) at naging P7.64 milyon (2022).


Kahit P9.3 milyon lang ang basic salary ni Medalla noong 2022, mahigit P24 milyon ang
kanyang allowances, bonuses, incentives and benefits, districtionary and miscellaneous
expenses.


About Author

Show comments

Exit mobile version