ADB, Pauutangin ng US$30-B ang PH

0

NAG-COMMIT ang Asian Development Bank (ADB) nang kabuuang 621 public sector
loans, grants and technical assistance sa bansa, na may kabuuang halaga na US$29.9
bilyon.


Ayon sa ADB, umabot na sa US$24.09 bilyon ang na-irelease na pondo para sa mga
proyekto ng bansa.


Noong 2022, inaprubahan ng ADB ang pinakamalaking loan financing project sa Asia-
Pacific sa halagang US$4.3 billion, ang South Commuter Railway Project.


Samantala, para matulungan ang mga Pilipino na mapahuyay ang kanilang digital at
cognitive skills, nag-commit ang ADB na US$100 milyon na loan para masuportahan ang
mga kinakailangang pagbabago at inobasyon sa tech-voc education and training.

About Author

Show comments

Exit mobile version