SAMPUNG bayan pa rin sa Bulacan ang patuloy na nakalubog sa baha dahil sa malalakas na pag-
ulan.
Ito ang iniulat kamakailan ni Bulacan Gov. Daniel Fernando. Isinusulong ng gobernador ang isang
“comprehensive flood management master plan” para tuluyan nang mawala ang mga pagbaha sa
kaniyang lalawigan.
Sa isang pagdining ng technical working group ng House Committee on Public Works and
Highways, noong Lunes, sinabi Fernando na base sa inisyal na pagtaya, ang perhuwisyo nang
pagbaha sa agrikultura at paghahayupan sa Bulacan ay umabot na sa mahigit ₱100 milyon.
“Napapanahon na talaga na magkaroon tayo ng flooding management masterplan… Napakahalaga
rin ng rubber gates na ito sapagkat ito ay umaalalay sa tubig ng Bustos Dam. At ang pinakamabigat dito, lahat nito ay dapat palitan na.”
Ayon pa sa gobernador, dapat ding pag-aralan ang paggawa ng elevated roads sa mga lugar sa
lalawigan na laging binabaha.