PAANO nga ba ang maging matiisin?
Ito ang sinasagot ng tatlong araw (Hulyo 28-30) na kombensyon ng mga Saksi ni Jehovah sa Ynares Center, na dadaluhan nang mahigit sa 8,000 miyembro.
Ang Regional Convention ay kinapapalooban ng maraming Bible-based na pahayag, live
interviews, at mahigit 70 videos sa wikang Tagalog.
Ayon kay Allan Tungla, convention chair, “Ang maging matiisin ay lubhang mahalaga para tayo ay
maging maligaya at maharap ang mga hamon sa buhay.”
Iniimbitahan din ni Tungla ang publiko na dumalo sa convention para sila mismo ay matuto sa mga prinsipyo ng Bibliya na tutulong malutas kahit na karaniwang problema.
Sa symposium na Tularan ang mga Nagmana ng mga Pangako Dahil Nagtiis Sila, ipinakita kung
paanong ang mga lingkod ng Diyos gaya nina Abraham at Sara, Job, Pablo atbp. ay nagtiis kahit sa pinakamahihirap na kalagayan. Bukod sa pagsipi ng mga teksto sa Biblia, may mga video rin ang bawat pahayag.
Ayon sa isang nakapanood, kahanga-hanga raw ang mga video tungkol sa mga halaman, mga ibon, insekto, pati na rin ang video drama nang pagpupunyagi ng isang mahirap na pamilya sa harap nang mabibigat na pagsubok.