33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

P1-B Suporta para sa maliliit na negosyo -Romualdez

MAGLALAAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang kabuuang P1 bilyong piso mula sa 2023
National Budget para mapahusay ang performance ng micro, small and medium enterprises
(MSME).


Ito ang pangako ni Speaker Martin Romualdez sa kanyang speech sa pagbubukas ng National
Food Fair o Philippine Cuisine and Ingredients Show na ginanap sa SM Megatrade Halls 1-3
kamakailan.


Idinagdag ni Romualdez na plano ng gobyerno na makalikha ng mga bagong negosyo at
mapaunlad ang mga maliliit na negosyo para makalikha ng mga bagong trabaho at oportunidad
para kumita ang mga Pilipino.


Pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang limang araw na okasyon.

BASAHIN  LTO inalerto sa milyun-milyong magbabalik-Maynila


Nagkaroon ng live cooking demonstrations ang mga sikat na chef gaya nina Boy Logro, Claude
Tayag, Tatung Tatung Sarthou, Jam Melchor at Laudico Guevarra.


Bukod sa seminar tungkol sa entrepreneurship, nagkaroon din ng wine-mixing tutorials at mga
pagtatanghal tungkol sa iba’t ibang food business na pwedeng pagkakitaan.


Ayon pa kay Romualdez, may mga bagong batas na naaprubahan at maaprubahan para
makatulong sa mga maliliit na negosyo gaya ng Government Financial Institutions Unified
Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act at House Bill No. 1171 o
ang One Town, One Product Act (OTOP).

BASAHIN  Mambabatas, hiniling sa palasyo na i-ban ang POGOS

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA