33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Revilla, nagbabala sa SIM-for-sale modus

BINABALAAN ni Senador Ramon Revilla Jr., noong Miyerkules, ang publiko laban sa pagbebenta
ng kanilang rehistradong SIM cards.


Ito ay nang natapos ang deadline ng SIM card registration noong Hulyo 25. Sinabi ni Revilla na
malamang gamitin ito sa scam at iba pang krimen para hindi ma-trace ang bumili nito.


Ayon sa reports, bukod sa pagbili ng rehistradong SIM cards, ang mga online scammer ay nag-
aalok ng malaking halaga para mairehistro ang bagong-biling SIM card sa pangalan ng
mabibiktima. Ito ay malaking panganib at pananagutan sa mga masasangkot dito.


“Hindi natin dapat ipinagbibili ang ating SIM cards dahil kapag ginamit sa krimen ang SIM na
nakarehistro sa isang indibidwal ay tiyak na mahaharap sa kaso kung sino ang nakapangalan sa
SIM. Hindi naman puwedeng ikatuwiran na naipagbili na ang SIM kaya wala na silang kinalaman,”
ayon sa senador.

BASAHIN  Dapat linawin ang sakop ng ating maritime zones -Tolentino


Naiulat na ang mga rehistradong SIM cards ay ibinebenta ng P500 isa, 10 ulit na mas mahal kaysa regular na presyo. Ang mga indibidwal na nabibiktima ay yung mga walang alam sa proseso ng pagre-rehistro, kaya ang masasamang tao ang nagrerehistro para sa kanila.


“Tandaan natin na nakapaloob sa batas na kung ang rehistradong SIM card ay magamit sa krimen, parehong ang nagbenta at ang bumili ang mananagot. Kaya huwag na huwag nating ipagbibili ang ating registered SIM cards,” paalala ni Revilla.

BASAHIN  Kaliwa’t kanan na online scams, 10-k na ang biktima

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA