MAGIGING ika-14 sa pinakamalalaking ekonomiya sa buong mundo ang Pilipinas sa 2075.
Ito ay ayon sa ulat ng Goldman Sachs (GS), ikalawa sa pinakamalaking investment bank sa mundo.
Sa isang report na inilabas kamakailan, tinataya ng GS na malalampasan nang pag-unlad ng
Pilipinas ang France sa nasabing taon, na magiging nasa ika-15 pwesto.
Ang Pilipinas ay isa sa dalawang bansa sa Timog-Silangang Asya na nasa listahan; ang Indonesia
ang magiging ika-4 na pinakamalaking ekonomiya sa 2075.
Samantala, ang China at India ay tinatayang magiging una at ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa mundo, samantalang ang United States (US) ay magiging ikatlo.
Ayon pa sa GS, sa 2035, malalampasan ng China ang US, samantalang ang India, sa 2075.
Ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago sa 7.6 percent sa pagtatapos ng 2022, mas mataas kaysa
5.7 percent growth rate noong 2021.
Ayon sa Finance Department ng bansa, lumago sa 6.4 percent ang Gross Domestic Product (GDP)
sa unang tatlong buwan ng 2023.