BUO ang tiwala ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumubuti ang estado ng bansa kasabay
nang pagdating ng isang bagong Pilipinas.
Sa ikalawa niyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo, “Ang bawat Pilipino ay
nagkakaisa sa pagbangon sa hamon na ginawa natin sa kanila na maging bahagi ng kinabukasan ng ating bansa. Handa silang maghandog ng tulong, dahil mahal nila ang kanilang kapwa-Pilipino, at mahal nila ang Pilipinas.”
Idiniin ni Marcos na dumating na ang Bagong Pilipinas, at alam niya na ang estado ng bansa ay
maayos, bumubuti dahil patuloy ang ating pag-unlad.
Pinasalamatan din niya ang world-class Filipino workforce na patuloy na nagpapakita nang
pagmamahal sa bayan.
Isa-isang binanggit ng Pangulo ang nagawa ng kanyang administrasyon sa iba’t ibang larangan
kagaya ng ekonomiya, kapayapaan at kaayusan, pagpapaunlad ng imprastraktura, agrikultura,
turismo, enerhiya, pati na ang pagsisikap na magkaroon ng permanenteng kapayapaan sa
Mindanao, at marami pang ibang larangan.
Binigyang diin din ni Marcos ang mahahalagang planong nais isagawa ng kanyang administrayos
para sa hinaharap para patuloy na mapanatili ang pag-unlad ng bansa.