NANANATILING mababa ang bilang ng mga walang trabaho sa Calabarzon Region, na nasa 5.5
percent lang, ayon sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Abril.
Iniulat pa ng survey na ang limang lalawigan sa rehiyon ay mayroon 13.3 percent lang
underemployment rate.
Ang datus ay patuloy na huhusay kapag binuksan na ang isa pang digital infrastructure hub, ang
Vitro Sta. Rosa Data Center ng ePLDT, isang subsidiary ng PLDT.
Ayon kay Gary Ignacio, chief data center officer ng ePLDT’s, bukod sa mga bagong trabaho na
mabubuksan, tataas pa ang presyo ng mga lupain sa lugar at mas mataas na buwis sa lokal na
pamahalaan.
Idinagdag pa ni Ignacio na kahit under construction, nakapag-bigay na ang data center ng bagong
mga trabaho sa komunidad. Kailangang pa raw ng mas maraming kawani lalo na ang mga may
kasanayan sa IT para sa pang-araw araw na operasyon ng pasilidad sa 2024.