HINDI malilimutan ng bagets at young adults noong 1960s ang sikat na awiting I Left My Heart in
San Francisco na nag-iwan nang matatamis na ala-ala lalo na sa mag-sing irog.
Pero wala talagang forever sa tunay na buhay, dahil ang umawit nito noong 1962 na si Tony
Bennet o Anthony Benedetto ay tuluyan nang namaalam. Namatay siya sa edad na 96, ayon sa
kanyang publicist na si Sylvia Weiner.
Sa kanyang singing career na umabot sa walong dekada o 80 years, napabilib ni Bennett kahit sina Frank Sinatra at Bob Hope, dahil sa kanyang swabe at kabigha-bighaning tinig. Nagwagi si Bennet ng 19 Grammy Awards at sa duet nila with Lady Gaga, nakapag-record sila ng dalawant album.
Kahit na na-diagnose si Bennet ng Alzheimer’s disease noong 2016, hindi alam ng kanyang fans na maysakit siya dahil patuloy siyang umaawit at nagbibigay-aliw sa kanila. Noon lamang 2021
ibinunyag ng kanyang pamilya na merong Alzheimer’s si Tony.
Hindi alam ng marami na isang mahusay na painter si Bennet; ilan sa kanyang obra ay
permanenteng naka-display sa Smithsonian Institution, ang pinakamalaking museum sa buong
mundo.
Sa isa niyang huling interview, sinabi ni Tony na kailanman, hindi siya nagkapag-trabaho sa buong
buhay niya, dahil gustong-gusto niya ang umawit at libangan lamang ito para sa kanya.