33.4 C
Manila
Friday, November 15, 2024

Mas maraming ospital sa bansa, itatayo – Marcos

MAS maraming ospital at special centers ang itatayo sa buong bansa para matutukan ang
kalusugan ng mga Pilipino.


Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, nang inspeksyunin niya ang
konstruksyon ng kauna-unahang regional Multi-Specialty Medical Center sa Clark Freeport Zone
sa Pampanga.


Sinabi ni Marcos sa kanyang speech na ang kanyang administrasyon ay determinadong magbigay
ng de-kalidad na serbisyong medikal sa mga Pilipino.


Ang Clark Multi-Specialty Medical Center ay magkakaroon ng world-class na pasilidad gaya ng
heart center, lung center, kidney center, oncology o cancer center, at pediatric hospital.


Inaasahang makikinabang dito ang mga residente ng Region 1, 2, 3 at maging mga taga-
National Capital Region.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA