33.4 C
Manila
Friday, November 15, 2024

Bagong MMDA Command Center, pinasinayaan

PINASINAYAAN kahapon ang bagong state-of-the-art Communications and Command Center (CCC) ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Pasig City.


Sinabi ni Atty. Don Artes, MMDA Acting Chair na ang CCC ang magsisilbing “nerve center” sa mga
pangunahing kalsada sa buong Metro Manila.


Ang CCC ay may operations center, data center, situation room, at power room, pati na bagong
teknolohiya gaya ng mahigit 400 HD CCTV cameras, intelligent traffic signalization system, at Hytera radio smart dispatch system na may built-in GPS o Global Positioning System.


Idiniin ni Artes na kaugnay daw ng pagnanais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing digital ang paglilingkod sa bayan, pabibilisin ito ng CCC kung may emergency, at magagamit din sa pagtugon sa mga natural o gawang-taong sakuna, baha, lindol, at sa pangkahalatang kaligtasan ng mga mamamayan, sa pakikipagtulungan ng mga pambansang ahensya ng gobyerno at ng 17 lungsod sa National Capital Region.

BASAHIN  Daan-daang mga taga-Caniogan sa Pasig City nakibahagi sa ‘Awit Pasasalamat’ para sa mga ‘bayaning’ frontliners

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA