33.4 C
Manila
Tuesday, June 24, 2025

Landbank-DBP merger sa 2024 na – Diokno

PORMAL na magaganap sa unang semester ng 2024 ang pagsasanib o merger ng LandBank (LB) at Development Bank of the Philippines (DBP), ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.


Sa isang media briefing noong Linggo, idiniin ni Diokno, na ang pagsasanib ay kailangang dumaan pa sa proseso, at pagkatapos, inaasahan ang approval ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bago
matapos ang taon.


Ang draft executive order ay ipinadala na sa Palasyo at inaasahang makukumpleto na ang merger sa kalagitnaan ng 2024, ani Diokno.


Masayang sinabi ni Diokno na (ang merger ng LB at DBP) ang magbubukas ng daan para sa paglikha ng “pinakamalaking bangko sa bansa”.

BASAHIN  7K rider ng Grab-Move It kakalusin


Nitong Marso, pumayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa planong merger ng DBP at LB, sa harap nang malaking mga pagbabago sa panglobong sektor ng bangko.

BASAHIN  ₱6.75-B benta ng Sky Cable sa PLDT, kanselado

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA