SUMEMPLANG ang Kapatid host na si Gretchen Ho habang nagbibisekleta sa Switzerland
kamakailan.
Sa kanyang Instagram post, makikita ang sugat siya sa balikat at maging sa mga kamay. Hindi naman daw grabe ang mga galos niya at wala namang butong na-fracture.
Inilarawan pa ni Grechen na isa lamang itong “bad fall”, pero tiniyak niyang safe siya at “malayo
naman ito sa bituka”.
Ayon pa kay Grechen, “Steep, sharp descent from the mountains with 180 switchback turns. It was a really bad fall. “
“Sumemplang nang malala sa Switzerland. Crash Landing on You?!!” ayon pa sa post.
Ang Crash Landing on You ay isang Korean tele-drama na ang bahagi nito’y kinunan sa Switzerland.