P120,000 kada Pilipino!
Ito ang halaga nang pagkakautang ng bawat Pilipino kahit na ang mga nasa sinapupunan pa ng
kanilang ina. Dahil dito, pinapaimbestigahan ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang
paglobo ng utang ng bansa na umabot sa mahigit P14 trilyon sa taong ito.
“Maski mga di pa pinapanganak na mga Pilipino’y may utang agad na mahigit P120,000. Sa laki ng utang ng bansa sa ngayon, dapat
wag na itong palakihin pa,” ani Castro.
Ayon sa mambabatas, kasama umanong dapat na papanagutin sa paglobo ng utang ng bansa si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil umutang ang administrasyon nito ng P6.7 trilyon, na kung saan, wala pang 10 porsyento o halos P616 bilyon lamang ang nagamit sa pagtugon sa COVID-19
pandemya.
Dapat daw imbestigahan at papanagutin ang lahat nang lumustay sa mga inutang ng gobyerno,
pagdiriin ni Castro.