NAG-FILE si Sen. Jose “Jinggoy” Estrada ng isang panukalang batas na naglalayung magbigay ng
incentives sa mga negosyo na tatanggap sa dating drug-dependents na nagbago na.
Ayon sa Senate Bill No. 2276, ito ay kakapit lang sa mga na-rehab na drug dependents na
nakapagtapos ng technical-vocational course sa TESDA o Technical Education and Skills Development Authority.
Ayon kay Estrada, magmula noong 2016, mahigit 94 percent ng 8,700 na dating drug dependents o 8,200 ang nakapagtapos ng iba’t ibang kurso sa TESDA.
“Ito ang nagpapatunay na malaking bahagi ng ating populasyon na dating biktima ng bawal na gamot ang nagnanais na mamuhay ng normal at magkaroon ng kakayahan na bigyan ng suportang pinansiyal ang sarili at pamilya,” pagwawakas ng Senador.