SINABI ni Senador Sonny Angara noong Miyerkules na ang palpak na Love the Philippines DOT video ay hindi nakaapekto sa mahusay na performance ni Tourism Sec. Christina Garcia Frasco sa pagpo-promote ng turismo sa bansa sa buong mundo.
Kinomendahan ni Angara si Frasco sa mabilis na pagkansela ng kontrata sa DDB Philippines, ang
kumpanyang gumawa ng kontrobersiyal na video.
Idiniin ni Angara na dapat bigyan ng tsansa ang hepe ng DOT na makabawi, dahil napakalaki nang ibinagsak ng ating turismo magmula noong 2020 dahil sa Covid-19 pandemic.
Pinapurihan ni Angara si Frasco dahil umabot sa mahigit dalawang milyong banyagang turista ang dumating sa bansa magmula Enero hanggang Mayo sa taong ito. Nalampasan ng record ang target ng ahensya na 1.7 milyon.