Agad nating ayusin ang problema sa “toxic video” – Gordon

0

HINDI lang puro salita at panunumbat ang dapat gawin tungkol sa kahiya-hiyang paggamit
ng stock photos na kuha sa ibang bansa sa Love the Philippines video, kailangan ang
mabilis na aksyon.


Ito ang pahayag kamakailan ni Dick Gordon, dating Tourism Secretary at Senador na
siyang awtor ng Tourism Law o R.A. 9593 at nagpasikat ng slogan na Wow, Philippines.


“Ilan sa ating mga kababayan (na sangkot sa paglikha ng kontrobersiyal na video) ay labis
na nagkamali, pero dapat nating lutasin ang problema bilang bansa. Dapat aminin ng DDB
Philipppines {DDBP), prodyuser ng video, ang kanilang kapabayaan at unprofessionalism
sa paggamit ng stock photos sa tourism promo campaign ng Department of Tourism
(DOT).


Hindi raw naniniwala si Gordon na “libre” ang video. Negosyo ito, kailangang bayaran ng
DDBP ang kanilang account executives at iba pang empleyado.

“Napakahalaga ng turismo para pag-usapan lang nang paulit-ulit ang mapanlinlang na
video. Dapat tayong tumayo at kaagad na ayusin ang pagkakamali… Agad nating ayusin
ang pinsala na nilikha nang kapabayaan ng DDBP at DOT,” ani Gordon.


Labis na nalulungkot si Gordon sa mga pangyayari lalo na ang tungkol sa pag-alam kung
sino ang may mga pananagutan sa fiasco. Idiniin pa niya na dapat tumigil na tayo at mag-
focus, mag move-on na. Dapat nating ipakita sa mundo ang katotohanan tungkol sa
magagandang tanawin sa bansa.


“Ga-higante ang pinasalang idinulot ng kontrobersiyal na video dahil sa paggamit ng mga
larawan na kuha sa Thailand, Indonesia, at Dubai at iprinisinta bilang mga tanawin na
makikita sa Pilipinas, kaya nga labis na nabahala ang mundo. Dapat may managot, sa
prinsipyo ng “accountability”, pagdiriin ng dating Senador.


Sa pagwawakas ni Gordon, sinabi niya na dapat ay may “proper labeling” ng mga
destinasyong ipakikita sa video, para maging mas informative at maalis ang anumang
kalituhan.

About Author

Show comments

Exit mobile version