Andrea B, basted na kay Jakob Fortunak?

TILA basted na si Andrea Brillantes kay Jakob Fortunak, ang gwapo, six-footer na anak
ni Ina Raymundo.


Ito ang umuugong ngayon sa showbiz circles matapos na magparamdam kamakailan si
Andrea na gusto nitong maka-date ang Filipino-Ukranian baseball player. Hanggang sa
ngayon, wala pa ring tugon si Jakob kahit nagkita na sila noon sa isang event.


Umani ng ilang negative comments mula sa netizens ang post ni Andrea, dahil kung
sino pa raw ang babae, sya pa ang agresibo. Dedma lang dito si Andrea.


Bagamat flattered si Ina sa revelation ni Andrea, hindi raw niya hawak ang desisyon ng
kanyang binatang anak.


Sabi ni Ina sa isang interview ni Giselle Sanchez kamakailan, “I like Andrea, and I find
her comments flattering and amusing. It’s raw and unfiltered…I am also not sure if she
was serious or just kidding around.”


Hindi raw interesado ang Filipino-Ukranian na si Jakob na pumasok sa showbiz.
Interesado raw ito sa baseball.


Hindi rin kaya ito interesado kay Andrea? Tanong ng ilang netizens.


Pangarap ni Ina na maging Major League Baseball (MLB) star ang kanyang anak, at
maging isang “hall of famer”. Si Jakob daw ang magbibigay-pride sa ating bansa sa
world of baseball sa hinaharap.

Ayon sa kay Ina, super-saya raw si Jakob dahil nakakuha ito ng college scholarship
grant upang maglaro ng baseball para sa Xavier Musketeers ng Xavier University
Canada.


Samantala, ayon kay Giselle, ang MLB players sa US ay kumikita ng mula sa
US$500,000 hanggang US$37 million isang taon, o P1.8 billion sa pera natin.


Isang malaking karangalan daw ang mai-draft daw sa MLB, pero nais muna niyang
makakuha ng more training and experience sa Xavier University, ayon kay Jakob.


Matuloy kaya ang Andrea-Jakob date? Your guess is as good as mine.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...