33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Pagpapaliban ng Barangay, SK elections unconstitutional -KS

IDINEKLARA ng Korte Suprema (KS) na unconstitutional ang Republic Act (RA) No. 11935
na nagpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections mula noong
Disyembre 5, 2022 sa Okt. 30, 2023. Dahil dito, magiging mas maikli ang termino nang bawat mananalo sa eleksyon sa Okt. 30.


Noong nakaraang taon, nilagdaan (at naging batas) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
ang R.A. 11935 na nagbibigay nang halos isang taong dagdag sa panunungkulan sa lahat
ng mananalo sa 2023 eleksyon.


Sinabi ng KS na may kasamang labis na pang-aabuso ang pagsasabatas ng R.A. No. 11935
dahil walang hurisdiksyon ang Kongreso na baguhin ang nakasaad sa Konstitusyon
tunkol sa iskedyul ng barangay at SK elections. Idinagdag pa nito na ang pagpapaliban
ng eleksyon para lamang makatipid sa perang gagamitin dito at idaragdag sa pondo ng
Ehekutibo ay labag sa 1987 na Saligang Batas.

BASAHIN  Libreng klase kung paano sumulat at bumasa, nationwide na


Ideneklara ng KS na ang malaya at makabuluhang paggamit nang karapatan para bumoto
sa nakatakdang iskedyul ay ginagarantiyahan ng Saligang Batas, at hindi dapat maging
masyadong mahaba ang pagitan sa bawat eleksyon.


Dahil magkakaroon ng barangay at SK elections sa 2025, magiging dalawang taon na
lamang ang termino ng mga mahahalal sa Oct. 2023 eleksyon, dagdag pa ng KS.

Termino ng Barangay at SK Officials, magiging 5 taon na?

Hindi pa natatagalan, nag-file si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ng House Bill 7123, na
naglalayong dagdagan ang termino ng barangay at SK officials ng dalawang taon, para maging
limang taon ang kabuuang haba ng kanilang termino.


Ayon kay Rodriguez, chairman ng House Committee on Constitutional Amendments, ang limang
taon termino ay makatutulong para maging matatag ang barangay at para matiyak na ang mga
programang pinasimulan ng kasalukuyang namumuno ay matupad.

BASAHIN  Teritoryo ng bansa patuloy na ipagtatanggol—Marcos

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA