IPINAHAYAG ng Department of Transportation (DoTr) na magpa-file sila ng petisyon para taasan
ang pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3, sa kabila nang patuloy na pagtutol ng civil society.
Ayon kay DoTr Undersecretary for Railways Cesar B. Chavez, ang petisyon sa pagtataas-pasahe
ay hindi naaprubahan sa loob ng walong taon, o noon pang 2015. Kaya, makatwiran lamang ito
sa harap nang lumalaking gastusin sa pagmamantine.
Sinabi ng Korte Suprema (KS) noong Abril na dinidismis nila ang ilang petisyon sa pagtataas ng
pamasahe magmula pa noong 2015. Kinuwestiyon din nito ang DoTr department order na
sumisingil ng P11.00 bilang “base pay” at dagdag na P1.00 bawat kilometrong distansyang
tatakbuhin ng tren.
Dahil sa patuloy na oposisyon ng publiko at civil societies, ang opisyales ng DoTr ay hindi
nakapagtaas ng pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3 at iba pang ruta ng tren.
Sinabi ni Chavez na makatitipid ang gobyerno sa subsidiya kung daragdagan nang kaunti ang
pamasahe sa tren, kapalit ng episyente at ligtas na pagbyahe.