33.4 C
Manila
Thursday, January 23, 2025

‘Love the Philippines’, bagong kampanya sa turismo

INILABAS na ng Department of Tourism (DoT) ang kanilang pinalakas na bagong tourism
campaign slogan, ang ‘Love the Philippines’.


Sa isang seremonya na ginanap sa ika-50 taon nang pagkakatatag ng Manila Hotel, sinabi
ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na ang bagong “branding” ay magbibigay ng
pagkakataon na muling maialok ang bansa sa mga turista matapos ang pandemic.


Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. – na siyang nanguna sa pagdiriwang – bukod
sa promotion ng ating magagandang tanawin, ang kampanya ay naglalayung gawing mas
mahusay at enjoyable ang karanasan ng bawat turista na bibisita sa bansa.


“‘Love the Philippines’ ay isang pagkilala sa likas na ganda ng ating mga tanawin, pati na
ang ating makulay na kasaysayan, mayamang kultura at ang ating pagkakaiba-iba,” saad
ni Frasco.

BASAHIN  Protest caravan ng grupong Manibela at PISTON, kasado na


Ayon sa Pangulo, dapat nating pahalagahan ang pagmamahal sa bayan at sa ating mga
kababayan, dahil ang pagmamahal na ito ang magtutulak sa Department of Tourism para
umangat sa hinaharap.

BASAHIN  Marcos: Hunyo 28 walang pasok

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA