ISANG malaking sunog ang naganap sa makasaysayang Manila Post Office (MPO), na nakasakit sa
pitong tao at tumupok sa 100-taong-landmark sa kabisera ng bansa, ayon sa Philippine Postal
Authority (PPA).
Ayon sa inisyal na imbistigasyon, nagsimula ang sunog bago maghating-gabi noong Linggo sa
basement ng limang-palapag na gusali at nakontrol ng mga bumbero, Lunes ng umaga, mahigit pitong oras matapos itong sumiklab.
Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection (BFP) para alamin ang sanhi ng sunog at lawak nang pinsala.
Ang Manila Central Post Office ang isa sa pinaka-abalang gusali sa bansa. Ito ay madalas gamitin na background ng maraming lokal at banyagang pelikula. Ang malawak na harapan nito ang
pinagdadusan ng maraming kilos-protesta ng mga estudyante at aktibista para idaing sa gobyerno
ang iba’t ibang politikal at isyung sosyal.
Nagsimula ang serbisyong postal sa bansa noong panahon ng mga Kastilang mananakop, na ang mga kartero ay nakasakay pa sa kabayo para maghatid ng sulat.