4,000 Nurses nai-deploy ngayong Mayo – DMW

0

KAHIT anim na buwan pa lamang sa taong kasalukuyan, nakapag-deploy na ang bansa nang mahigit sa kalahati ng maximum annual allocation ng nurses sa ibayong dagat, ayon sa datus ng Department of Migrant Workers (DMW).


Ayon kay DMW Sec. Toots Ople “As of May of this year we are at the 4,000 mark.”
May kabuuang 7,000 lamang na nurses ang pwedeng mangibang-bansa dahil maaari itong magresulta sa kakulangan ng health workers sa Pilipinas.


Ayon kay Ople, mataas ang demand sa Filipino nurses sa Canada, United Arab Emirates, at Austria.


Nais makipag-dialog ni Ople sa ilang ahensya ng gobyerno at iba pang stakeholders para makahanap ng solusyon para manatili sa bansa ang mga nurse.

About Author

Show comments

Exit mobile version