Noong Hunyo 14, 1945, ang pinagsamang pwersa ng mga Pilipino at Amerikano ay tumalo sa hukbong Hapones sa ilalim ni Gen. Tomoyuki Yamashita sa isang kahangahangang labanan sa Bessang Pass sa hilagang Luzon.
Ang batalyon ay kinabibilangan ng halos 20,000 sundalong Pilipino at 5 Amerikanong opisyal
sa pamumuno ni Col. Russell W. Volckmann. Sa bilang na ito, mahigit 900 lamang ang nasawi sa ating tropa.
Umabot sa anim na buwan – ito ang pinakamatagal na military campaign ng mga sundalong Pilipino noong WW II.