Ang CIA (Central Intelligence Agency) nga ba ang may pakana kaya nag-crash ang eroplano ni Magsaysay?
Noong 16 Marso 1957, ala-una ng madaling-araw, sumakay si Magsaysay at 27 iba pa sa C47 na may pangalang Mt. Pinatubo paalis ng Cebu.
Pero kinabukasan, inireport na nawawala ang kanyang eroplano.
Naiulat kinalaunan na ito ay nag-crash sa Mt. Manunggal, Cebu at namatay lahat ng pasahero maliban sa mamamahayag na si Néstor Mata.
May mga ispekulasyon na CIA raw ang may kagagawan kung bakit nag-crash ang eroplano ng Pangulo, dahil anti-American daw ang kanyang mga polisiya. Hanggang sa ngayon, hindi pa rin nalulutas ang hiwaga sa pag-crash ng Mt. Pinatubo.