ISANG magnitude five na lindol ang yumugyog sa munisipyo ng Kiamba, Sarangani ngayong
Miyerkules, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang lindol na may tectonic origin ay naiulat ng 1:04 ng madaling-araw.
Ang intensity 4 o medyo malakas, ay naramdaman sa T’Boli, South Cotabato, samantalang ang
intensity 3 o mahina ay naiulat sa Koronadal, Suralla, Banga, Tupi, ant Lake Sebu, South Cotabato; Esperanza, Sultan Kudarat, at Don Marcelino, Davao.
Intensity 2 o hindi masyadong naramdaman, ay nadama sa Norala, General Santos; Tampakan, at
Isulan, South Cotabato; at President Quirino, Sultan Kudarat.
Ang munisipyo ng Maasim, Sarangani ay nakadama lamang ng 1 o hindi halos nadama na pagyanig.
Nagbabala ang Phivolcs ng aftershocks pero sinabing wala anomang pinsala ang inaasahan mula
rito.