33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Fingerprint ng mga kriminal, bistado na ng PNP gamit ang makabagong e-Booking system

UPANG mapabilis ang pangangalap ng datus, impormasyon at records management, inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw sa Pasig City Police Station ang Digital Booking System o “E-Booking.”

Aktuwal na ipinakita sa mga miyembro ng media ang pagkuha ng fingerprint sa isang suspek sa pagnanakaw at napag-alaman na mayroon pa itong dalawang kahalintulad na kaso ngunit nakalaya dahil sa piyansa.

Pinangunahan ni Police Major General Eliseo Cruz, direktor ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management ang nasabing paglulunsad kung saan naging mas mabilis ang pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng Automated Fingerprint Identification System (AFIS).

Sinabi ni General Cruz na sa kasalukuyan, ang manual booking procedures at ang pag-imprenta sa 10 print cards ng mga arestadong suspek ay agad na ia-upload sa AFIS.

Idinagdag pa ni Cruz na nasa 800 crime suspects ang ginagawan ng manual booking bawat araw sa buong bansa na nangangahulugan na libu-libong fingerprint cards ang dumadaan sa scanning araw-araw.

BASAHIN  Magnitude 5.9 na lindol, yumanig sa Lubang Island

Maliban pa aniya ito sa nako-kolektang 15,000 fingerprints mula sa mga kumukuha ng national police clearance.

Ngunit binigyang-diin ng heneral na hindi aniya agad-agad aalisin ang manual bookings dahil mahalaga pa rin ito pero dahan-dahan din aniya silang magsi-shift sa digital booking system.

Makakatipid din aniya ang PNP sa operational expenses at mapapaikli ang proseso ng mga pulis sa bawat presinto at siyempre pa, tataas ang crime solution efficiency.


Magandang balita pa ayon kay Cruz dahil sa darating na panahon ay maibabahagi rin nila ang nasabing mga datus sa iba pang law enforcement agencies tulad ng National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration at iba pang ahensya

BASAHIN  Tulak na sangkot sa road crash, huli sa Binangonan

Kasama rin sa nasabing paglulunsad sina Chief of Police ng Pasig City na si Police Colonel Celerino Sacro, Jr., Police Brigadier General Wilson Asueta, ang District Director ng Eastern Police District at iba pang mga opisyal mula sa Taguig City.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA