33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Tricycle driver, isa pang manyakis arestado sa kasong rape, pag-post ng hubad na litrato

INIHAYAG ni Police Brigadier General Sidney Hernia, hepe ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ng Philippine National Police (PNP) na isang tricycle driver ang inaresto dahil sa panggagahasa at isa pang manyakis ang nahuli sa isang manhunt operation na ikinasa ng kaniyang ahensya.

Kinilala ni PBGen. Hernia ang unang suspek na sina Edward Anthony Cardoza, 27-taong gulang at naaresto dahil sa paggawa ng isang pekeng Facebook account upang i-post ang mga malalaswa at hubad na larawan at i-share ito sa Facebook Page ng pinapasukang eskuwelahan ng kaniyang biktima.

Kaagad na naglabas ng warrant of arrest si Judge Joseph A. Palmes ng 11th Judicial Region, Branch 60 ng General Santos City dahilan upang ikinasa ng Regional Anti-Cybercrime Unit ng Region 12 ang isang manhunt operation.

Si Cardoza ay sinampahan ng kasong kriminal bilang paglabag sa Sec 4(D) ng Republic Act 9995  o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Bago nito, dati nang naaresto ang akusado noong Disyembre 1, 2022 batay sa warrant of arrest na inisyu rin ni Judge Palmes sa kasong grave coercion ngunit nakapagpiyansa ito ng ₱72,000 kung kaya nakalaya.

Muling naaresto sa ikatlong pagkakataon si Cardoza noong Enero 31, 2023 batay sa warrant of arrest na inisyu naman ni Judge Jerome Beatisola bilang paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence against Women and their Children Act.

BASAHIN  P136-K drugs, nasamsam sa Pasig buy-bust operation

Nakapagpiyansa muli ang suspek ng ₱200,000.00 kung saan kalakip sa nasabing piyansa ang isa pang kaso may kauganayan sa Section 6 ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Samantala, isa namang tricycle driver ang inaresto noong Abril 13, 2023 ng Regional Anti-Cybercrime Unit ng Region 7 kasama ang Provincial Mobile Force Company (PMFC), Cebu Provincial Police Office (CPPO) at Santander Municipal Police Station.

Kinilala ang suspek na si Macarlito Miro, 55-taong gulang ng Santander, Cebu batay sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Maria Dee Seares, Presiding Judge ng Branch 6, Mandaue City, Cebu sa kasong paglabag sa Section 4 (b) ng Republic Act 9775 o Anti-Child Pornography Act of 2009.

Ang nasabing kaso ay may piyansang ₱200,000.00 ngunit walang inirekomendang piyansa para sa isa pang kaso ng nasabing suspek batay sa isa pang warrant of arrest sa paglabag nito sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997.

BASAHIN  Pagpatay sa pulis-Taytay, kinondena

Ang dalawang nabanggit ay nasa listahan ng PNP-ACG bilang 2 Most Wanted Persons.

“Ang PNP-ACG sa ilalim ng aking pamumuno ay patuloy na makikipaglaban sa lahat ng uri ng cycbercrime. Hindi namin tatantanan ang pagtugis sa mga gumagawa ng krimen gamit ang makabagong teknolohiya partikular na ang online, at titiyakin namin na bakal ang inyong hihimasin,” ang pahayag ni PBGen. Hernia.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA