Court of Appeals: Copper mining sa South Cotabato pinahihintulutan na

0
Binigyang-linaw ng CA na ang pagbabawal sa open-pit mining ang tinutukoy ng resolusyong panlalawigan, ngunit hindi na nito sakop ang pinahintulutan na ng Palasyo na large-scale mining.

IKINATUWA ng mga naninirahan sa bayan ng Tampakan partikular na ang mga kabilang sa tribong Blaan matapos katigan ng Court of Appeals (CA) ang kanilang apela laban sa pagpapahinto ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato na magmina ng tanso o copper sa kanilang lugar.

Ayon kay Domingo Collado, kinatawan ng Indigenous People sa Tampakan Municipal Council, hindi aniya bawal ang pagmimina sa isang ancestral domain basta’t ito ay pinahihintulutan ng Palasyo ng Malacañang.

Ito ay batay aniya sa resolusyon ng Court of Appeals na may petsang Agosto 22, 2022, na nagsasaad na hindi na saklaw ng South Cotabato Provincial Environmental Code ang naturang pagmimina dahil ang Sagittarius Mines, Incorporated ay may pahintulot ng Palasyo.

Matatandaan na naglabas ng isang resolusyon ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato na naglalayong ipagbabawal ang open-pit mining sa alinmang bayan sa lalawigan kasama na ang bayan ng Tampakan.

Idinagdag pa ng CA ayon kay Collado, na bagama’t kinikilala ng Korte ang nasabing provincial resolution, ang pagbabawal aniya ay para lamang sa open-pit mining at hindi ito sumasaklaw sa large-scale mining.

“Natutuwa kami na kinatigan ng Court of Appeals ang aming kahilingan sa isyung ito,” sabi ni Collado.

“Binigyang-linaw ng CA na ang pagbabawal sa open-pit mining ang tinutukoy ng resolusyong panlalawigan, ngunit hindi na nito sakop ang pinahintulutan na ng Palasyo na large-scale mining,” dagdag pa ni Collado.

Nagbigay naman ng pahayag si Dalena Samling, isang sikat na tribal leader at sinabing natupad na rin ang kanilang pangarap na makuha na ang mga deposito ng tanso sa kanilang lugar.

“Makakapagbigay ito ng sapat na salapi sa aming kabang-yaman at uunlad ang aming bayan at maisagawa nila ang kanilang corporate social responsibility (CSR),” ang tinuran ni Samling.

Nagsama-sama ang Blaan tribal council at mga kilalang miyembro ng local business communities upang hilingin sa CA kung hanggang saan ba talaga ang tinutukoy ng provincial ordinance.

Ang mga eksperto mula sa Europa at mga mining engineers sa central office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan tinantiya ng mga ito na hindi kukulangin sa US$200 billion ang halaga ng anaka-depositong tanso sa Tampakan.

About Author

Show comments

Exit mobile version