33.4 C
Manila
Sunday, December 22, 2024

Congressman Teves ikinanta ng mga gunman sa Negros masaker

DALAWA sa apat na mga suspek ang umamin na si 3rd District Congressman Arnulfo “Arnie” Teves, Jr. ang mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo na ikinamatay din ng walong iba pa.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, iniimbestigahan ngayon na Teves ang isa sa mga nasa nasa likod ng pagpatay kay Degamo.

Bago nito, mariing itinanggi ng magkapatid na si Teves na sila ay sangkot at may pakana sa pagpatay sa gobernador. Bukod sa 9 na namatay, 17 pa ang sugatan sa insidente.

Ayon pa sa mga suspek, ang utak umano sa likod ng nasabing krimen ay si Congressman Teves, bagama’t aminado sila na hindi nila personal na nakausap ang si Teves.

Ang apat na gunmen ay kinilalang sina Joric Labrador, Joven Javier, Benjie Rodriguez at Osmundo Rivero at tatlo sa mga ito ay dating mga sundalo.

Habang tinutugis, isa pang suspek ang namatay sa shootout. Ang apat na nahuling suspek ay dinala sa PNP Headquarters sa Camp Crame para sa kanilang seguridad.

BASAHIN  5 vendors sa rambolan sa Barangay Kapasigan, sinampahan na ng kaso

Sinabi naman ni PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo, ang isa sa tinitingnan nilang dahilan ng pagpatay kay Degamo ay ang muling pag-upo nito bilang gobernador matapos magkaroon ng recount sa pagitan nila ni Pryde Henry Teves, ang nakababatang kapatid ng kongresista.

Naupo si Teves nang apat na buwan bago siya pinalitan ni Degamo dahil sa pag-alma nito sa isang “nuisance candidate” na may pangalang Ruel Degamo.

Nagkaroon ng kalituhan sa pagboto ang mamamayan ng lalawigan ng Negros Oriental sa pagitan nina Roel at Ruel. At suspetsa ni Degamo, si Ruel ay pakawala ng mga Teves para mahati ang kaniyang boto.

Sa inisyal na resulta ng halalan noong Mayo 2022 nakakuha si Henry Teves ng 296,897 boto. Samantala, si Roel Degamo naman ay 277,462 na boto. Idinagdag ang 49,039 na ‘di umano, ay mga botanteng nalito at ang naiboto ay ang nuisance candidate na “Ruel Degamo.”

BASAHIN  ‘Love the Philippines’, bagong kampanya sa turismo

Ibinigay ng Comelec ang mga boto kay Gov. Roel Degamo kaya siya ang naupo bilang punonglalawigan ng Negros Oriental noong buwan ng Oktubre at sinang-ayunan naman ng Korte Suprema.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA