33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

6 patay sa pamamaril sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Germany

ANIM katao ang pinaniniwalaang namatay sa isang pamamaril sa Kingdom hall ng mga Saksi ni Jehova sa Hamburg, Germany Huwebes ng gabi, ayon sa mga pulis.

Sinabi ni Holger Vehren, police spokesman, na “ang alam lang namin ay na marami ang namatay at marami rin ang sugatan kung saan isinugod na ang mga ito sa pinakamalapit na ospital.”

Ayon pa sa mga pulis, sinabi umano ng mga nakausap nila sa palibot na maraming putok ang kanilang narinig. Ang pinagyarihan ng insidente ay sa Gross Borstel district ng Hamburg, ang ikalawang pinakalamaking lungsod sa Germany.

Idinagdag pa ni Vehren na pagdating ng mga pulis sa area ay maraming mga tao ang naabutan nila na mga sugatan at mga nakahandusay. May narinig din silang mga putok sa itaas na bahagi ng gusali kung saan natagpuan nila na may matinding tama ang pinaniniwalaang namaril.

BASAHIN  Villar, Bonoan, isinangkot sa iregularidad sa Pangil Bay Bridge project

“Walang pahiwatig na nakatakas ang namaril at lumalabas na ang salarin ay nasa gusali pa o isa sa mga namatay,” sabi ng tagapagsalita.

Hindi pa malinaw sa mga pulis kung anong okasyon o kaganapan mayroon at hindi pa nila matukoy kung ano ang motibo ng pamamaril.

Ang Kingdom Hall ay ang tawag sa house of worship o “simbahan” ng mga Saksi ni Jehova. Ang pulong ng mga Saksi ay nahahati sa dalawa: isang Midweek Meeting alinman mula Lunes hanggang Biyernes at isang Weekend Meeting, alinman sa araw ng Sabado o Linggo.

Nagpaabot naman ng pakikiramay at simpatiya ang alkalde ng Hamburg na si Peter Tschentscher sa mga naulila at sinabing nakakagulat ang nasabing pangyayari.

Ang mga Saksi ni Jehova ay isang internasyonal na relihiyosong organisasyon na may nga ‘branches’ sa ibat ibang bansa.

BASAHIN  Pantulong sa moral na aspeto para sa mga PWD, mababasa na online

Ang kanilang kabuuang bilang ay umabot na sa 8.7 milyon miyembro at ang kanilang internasyunal na punong tanggapan ay nasa Warwick sa New York.

Nasa 170,491 Saksi ang nasa Germany at may 238,609 naman dito sa Pilipinas.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA