33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

PUV modernization, tuloy na tuloy na

TINIYAK ng Palasyo na pakikinggan nila ang mga hinaing o anumang suhestiyon ng mga grupo sa hanay ng transportasyon kaugnay sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na isinusulong ng pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Secretary Cheloy Velicaria-Garafil sa isang panayam at siniguro na sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., handang making ang gobyerno.

Inamin naman ng iba’t ibang transport groups na wala silang tutol sa isinusulong ng pamahalaan na modernisasyon sa larangan ng transportasyon.

“Aminado naman po ng pareho ang Piston at ang Manibela na kailangan talaga i-modernize ang ating mga PUV pero ang naging problema lang ay ang naging implementasyon nito, na kailangang review-hin para di naman mahirapan ang hanay ng mga [nasa] transportasyon,” pahayag ni Garafil.

Idinagdag pa ni Garafil na kaya di-umano nagsagawa ng tigil-pasada ang mga transport groups ay dahil sa inakala nila na putol na ang komunikasyon nila sa Palasyo.

BASAHIN  12-Araw na suspensyon sa It’s Showtime – MTRCB

Ngunit nang tinanong kung nangako ba ang pamahalaan na walang mangyayaring jeepney phaseout, sinabi niya, “hindi namin iyon pinag-usapan. Ang tiniyak lang sa kanila na handa [ang pamahalaan] na pakinggan ang kanilang panig.

“Siniguro din sa kanila na kapag may karagdagan pa silang mga tanong o isyu na sa tingin nila ay hindi sila pinakikinggan, maaari silang dumirekta kay Secretary Lucas Bersamin upang maipaabot agad sa Pangulo,” ayon pa sa opisyal.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Transportation (DOTr) sa mga manggagawa sa hanay ng transportasyon na hindi nila basta-basta ipapatupad ang “phase out” ng mga jeep.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, mananatili ang tradisyunal na mga jeepney hangga’t mayroong modernong mga jeep/bus na masasakyan.

“Hindi namin nirekomenda ang agarang phaseout ng mga tradisyunal na jeep. Marami pang puwedeng gawin dito sa PUV modernization program. Ang phase out ay isa lamang sa mga iyon at panghuli pa,” dagdag pa ni Bautista.

BASAHIN  P100 na dagdag sahod

Inilunsad ng DOTr ang PUVMP noong 2017 kung saan layunin nito na “i-modernize, baguhing muli, pangangasiwaan at makakalikasan na sektor ng transportasyon kung saan kapuwa ang mga drayber at operator ay magkaroon ng matatag, sapat at may dignidad na kabuhayan samantalang ang mga mananakay ay makakarating sa kanilang destinasyon ng mabilis, ligtas at kumportable.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA