33.4 C
Manila
Friday, November 15, 2024

Ilang jeepney driver sa Angono na hindi sumali sa transport strike, hinarang

HINARANG ng mga driver na sumali sa transport strike ang ilang mga jeepney driver na hindi nakiisa sa kanilang ipinaglalaban. Kaya lumipat na lamang ang mga ito sa pinipilahan nila mula Aurora Shell sa Angono patungo sa Muzon sa bayan ng Taytay.

Nakapanayam ng BraboNews team ang ilan sa mga pulis na nakabantay sa unang araw ng tigil pasada na naka-iskedyul mula ngayong araw ng Lunes hanggang Linggo.

Ayon kay Police Lieutenant Mark Louie Tarroquin, kinakausap nila ang mga kasali sa strike na tigilan na ang panghaharang sa mga ayaw makisali dahil nagdudulot ng trapik ang ginagawa nila.

“Ang concerned namin dito, may mga tawag na yong mga jeep di-umano na nagta-travel ay pinapara nila at parang hinihikayat nila na sumama sa malakihang strike ng mga transportation. So yong iba, hindi mo mapapansin, katulad niyan bumibiyahe, nagkakaroon sila ng [impede] o pagsikip ng daloy ng trapiko,” ayon kay Tarroquin.

BASAHIN  Pacquiao, sinalubong ni Teves sa Timor Leste

 Idinagdag pa ni Tarroquin na tinutugunan lamang nila ang mga natatanggap nilang tawag at nakausap niya ang vice president ng asosasyon ng mga driver na huwag nang mangharang yamang wala naman itong maipakitang permit mula sa lokal na pamahalaan.

Ayon naman sa isa sa mga jeepney driver na si Micheal Bautista, Sr. wala naman daw naganap na panghaharang ng kanilang grupo dahil gusto lamang nila na magkaroon ng pagkakapantay-pantay at sumunod sa tigil pasada.

“Walang panghaharang na naganap. Sa katunayan nga, peaceful, may mga kasama pa kaming mga pulis dun. Eh ang sa amin lang, pinaglalaban lang namin [na] makisama, makiisa sa mga kapuwa nila driver, para din naman sa lahat yon,” ang pahayag ni Bautista.

Nanawagan pa si Bautista na nais lamang nila na maipaabot kay BBM o Pangulong Bong Bong Marcos, na tuparin niya ang pangako nitong walang mangyayaring jeepney phase out. Kaya nakikiusap siya sa mga kapuwa driver na sana ay makisama ang mga ito.

BASAHIN  Naga-Legazpi PNR route, binuksan na

With reports from Nissa Joy Sumile

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA