33.4 C
Manila
Saturday, July 12, 2025

Mayor Vico: Sa 2028 hindi ako tatakbo

ITO ang sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto matapos manumpa bilang alkalde ng lungsod sa kaniyang huling termino mula 2025 hanggang 2028 kasama ang buong konseho, Vice Mayor Dodot Jaworski at Congressman Roman Romulo sa temporary city hall sa Brgy. Rosario, Lunes ng umaga.

Inalala ni Sotto ang mga nangyari noong 2019 na mula sa pagiging first termer na city councilor ay tumakbo ito bilang alkalde ng Pasig kasama si Congressman Roman Romulo at tinalo ang mga Eusebio na naghari sa lungsod mula pa noong 1992.

Ayon kay Sotto, marami aniyang nagbabala sa kanila na imposible na manalo sila laban sa mga Eusebio kung hindi ito gagastos ng milyon-milyong piso batay na rin sa kwentada ng mga political operator at mga dating pulitiko mismo.

Ikinagulat umano ni Sotto na nang kwentahin niya ang ipinakitang plano sa eleksyon, umabot aniya sa mahigit 1 bilyong piso ang kailangan niyang gastusin.

BASAHIN  Phivolcs modernization, suportado ng Senado

Kagyat umanong tinanggihan ni Sotto ang naturang iniaalok sa kaniya ngunit nanalo ito sa kaniyang unang termino na hindi gumastos ng labis-labis sa pangangampanya.

Sinabi pa ni Sotto na noong 2022, may iilan pa rin aniyang mga individual na kunyari ay naniniwala sa kaniyang adbokasiya laban sa korapsyon ngunit lumang kalakaran pa rin ang nais pairalin.

“Ang puhunan po natin dito sa laban na ito, siguro konting galing, konting talino, pero ang totoong puhunan natin dito [ay] paninindigan ng ating katapangan, ang ating tigas ng ulo,” saad ni Sotto.

Binanggit din ng alkalde ang mga nangyari nito lamang nakaraang halalan kung saan huling takbo na niya para sa ikatlo at huling termino.

Giit niya, dumami na ang mga naniniwala at sumusuporta sa kaniyang adbokasiya na mabuting paggogobyerno at gayundin laban sa korapsyon.

“Ngunit may iba na kinakabahan pa rin papunta sa ikatlong termino natin ng pagbabago. May mga tumawag pa [nga] sa amin mula sa ibang LGU at nag-aalala para sa atin kung kakayanin daw ba natin ang gastos dahil [ang kalaban ay handang] gumastos ng 2 hanggang 4 na bilyong piso,” pahayag pa ni Sotto.

BASAHIN  2 holdaper arestado sa Malabon

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA