Abalos: Para bumaba presyo ng kuryente, tax sa krudo tanggalin

Share

IMINUNGKAHI ni Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr., isang kandidato sa pagkasenador, na alisin ang buwis sa krudong ginagamit lamang para sa power generation.

Aniya, makatutulong ito sa pagpapababa ng presyo ng kuryente, pag-akit ng mas maraming kumpanyang pang-manupaktura, at paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino.

Sa harap ng kanyang mga tagasuporta sa lalawigan ng Cavite, binigyang-diin ni Abalos na matagal nang hadlang sa kompetisyon ng bansa ang mataas na presyo ng kuryente, lalo na sa sektor ng pagmamanupaktura.

Ang Cavite ay tahanan ng humigit-kumulang 55 economic zones at industrial estates sa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Iginiit din ni Abalos na ang murang kuryente at isang business-friendly na kapaligiran ang susi sa pagpapalakas ng sektor ng pagmamanupaktura at paglutas sa kawalan ng trabaho.

“Kung aalisin mo ang buwis sa fuel na ginagamit exclusively for power generation, bababa ang presyo ng kuryente. At kapag bumaba ang presyo ng kuryente, papasok ang manufacturing firms—ibig sabihin, trabaho para sa mga Pilipino,” ayon sa dating DILG secretary.

“Kung gusto mong dumami ang trabaho, kailangan marami kang factories, marami kang negosyo. Sinasabi ko na ito noon pang 2005—tutol ako sa VAT sa kuryente,” saad pa ni Abalos.

Itinuro ni Abalos na ang singil sa kuryente sa Pilipinas ay isa sa pinakamataas sa Asya, kaya nagiging hindi kaakit-akit ang bansa sa mga posibleng mamumuhunan.

BASAHIN  4,633 bagong kaso ng HIV sa Q1 ng 2026, NCR nangunguna

“Yung excise tax natin sa fuel ay nasa 30%. Ipagpalagay na lang natin na ‘yong fuel na ito ay ginagamit sa power generation, kung tatanggalin natin ang buwis sa fuel purely used for power generation, bababa talaga ang singil sa kuryente,” ayon pa sa dating chairman ng MMDA.

“This was what I stood for when I was a congressman in 2005, and I still stand by it today. We need comprehensive solutions to create jobs and lift more Filipinos out of poverty,” saad ni Abalos.

Ipinunto ni Abalos, halimbawa, na ang mga isla at lalawigang umaasa sa mga diesel-powered generator ay nagbabayad ng mas mataas na singil sa kuryente—umaabot mula P17 hanggang P19 kada kilowatt-hour—kumpara sa average na humigit-kumulang P11 sa Metro Manila.

Kung mahalal bilang senador, nangako si Abalos na isusulong niya ang batas na mag-aalis ng value-added tax (VAT) sa kuryente at mga buwis sa krudong ginagamit lamang para sa power generation.

Binigyang-diin din niya na ang mga hakbang upang mapababa ang presyo ng kuryente ay dapat sabayan ng mas malawak na reporma upang mapabuti ang business environment, kabilang ang digitalisasyon ng mga serbisyo ng gobyerno upang mapabilis ang mga proseso para sa negosyo.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

117-k sundalo, ide-deploy ngayong halalan bilihan ng boto, sa Visayas, Bulacan

HANDA na ang lahat ng security measures.Ito ang tiniyak ng Armed Forces of the Philippine (AFP) kaugnay ng seguridad at kaayusan ngBarangay at Sangguniang...