Comelec: TRO mula SC ‘di ibig sabihin na mali kami

Share

ANG isang diskwalipikadong kandidato ay maaaring maghain ng apela sa Korte Suprema upang makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO), ngunit hindi ito nangangahulugan na mali ang Comelec.

Ito ang binigyang-diin ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa isang media forum kamakailan sa San Juan City kung saan pansamantala nilang inihinto ang pag-imprinta ng mga balota para sa nalalapit na halalan dahil sa mga sunod-sunod na inisyung TRO ng Korte Suprema.

“It is part of a legal process where a “presumption of legality” is such that a disqualification of a candidate or declaration of a nuisance candidate is within the mandate of the Comelec,” saad ni Garcia.

Tiniyak din ni Garcia na kailangan nilang sundin ang Katas-taasang Hukuman kung iniutos nito na ilagay sa balota ang pangalan ng isang kandidato na idineklara nilang nuisance candidate dahil nakakuha ito ng TRO.

Ngunit sinabi ng hepe ng Comelec na hindi pa rin sila magdadalawang-isip sa pagdiskwalipika ng isang kandidato at ideklara nilang “nuisance candidate” dahil may sinusunod anila silang probisyon sa Omnibus Election Code, ang Section 69.

BASAHIN  Panibagong usapang pangkapayapaan sa NPA, ekis kay Teodoro

Sinipi ni Garcia ang kaso ng noo’y gobernador ng Negros Oriental na si Gov. Degamo kung saan kahit nahalal aniya itong muli sa nakaraang halalan ngunit idineklara ng Korte Suprema ‘with finality’ na “nuisance candidate.”

Sinabi pa ng Comelec na umabot sa 960 ang kabuuang pahina ng kanilang panukala para rebisahin ang Omnibus Election Code at isinumite nila ito sa 19th Congress.

Giit pa ni Garcia: “The Comelec should balance everything, noting that ‘equal opportunity for all’ [is applicable]. Walang magagawa ang Comelec kundi sumunod sa iniutos ng Korte Suprema.”

Sa kasalukuyan, ani Garcia, ay “nalinis” na nila ang listahan ng mga senatorial candidates mula 183 tungo sa 67 na lamang dahil idineklara nilang nuisance candidate ang 117.

Sa kabuuang, 72 milyong balota ang kailangang iimprinta ng Comelec o 1.5 milyong balota bawat araw upang magamit sa halalan sa Mayo 12, 2025.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

Siklistang Senadora nais ang maraming bike lanes sa Ph

BUO ang suporta ni Senator Pia Cayetano, isang aktibong siklista, sa paglalagay ng maraming bike lanes sa Metro Manila at sa iba’t ibang rehiyon...