Marilaque Highway bantay-sarado na sa PNP-HPG, LTO

Share

ILALAGAY na sa bantay-sarado ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang kahabaan ng Marikina-Rizal-Laguna-Quezon (Marilaque) Highway matapos masawi ang isang motovlogger.

Namatay ang motovlogger na si Motopush o John Louie Arguelles sa tunay na pangalan, noong Linggo at pitong iba pa ang sugatan matapos itong makabanggaan ang isa pang rider na nagkikipagkarerahan habang naka-“Superman” ride o nakadapa sa kanilang motorsiklo ang dalawa.

Sa viral video, makikita ang dalawa na nag-uunahan at sa bilis ng arangkada, nawalan sila ng kontrol at nagkabanggan hanggang sa sumalpok sila sa mga nanonood na mga rider sa gilid ng highway sa Tanay, Rizal.

“Yung dalawang involved [na rider] ay mabilis yung takbo nila. Dahil nga marami kasing ano dun mga tumatambay na motorcycle riders, yung mga vlogger. Nagte-take videos, nagte-take pictures kaya yung siguro yung ano nila…nagpapasikat ba na itinataas nila yung paa,” ang pahayag ni PLtCol. Norman Cas-Oy, hepe ng Tanay PNP.

Paborito ng mga motovlogger ang nasabing highway dahil sa pakurbada nitong bahagi ngunit magpapalabas na umano ng ordinansa ang lokal na pamahalaan para ipagbawal ang mabilis na arangkada.

BASAHIN  3 empleyado ng LTO na nagpuslit ng mga plaka arestado; pagtugis sa ‘pinuno’ ikinasa

Ayon sa pulisya, may mga nagbabantay naman sa nasabing highway pero lumilipat lang umano ang mga rider sa bahagi ng highway na wala ng nakabantay.

Dahil dito, ipapatawag ni LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II ang survivor rider upang pagpaliwanagin kung bakit hindi dapat bawiin ang kanyang driver’s license sa ginawang “Superman” stunt na nauwi sa aksidente at pagkamatay ni Arguelles.

Nakipagkita naman si Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) director PBGen. Eleazar Matta kay Mendoza nitong Lunes, Enero 27, upang ipatupad ang bantay-sarado sa layuning hindi na maulit pa ang nasabing insidente.

“Kailangang matigil na ito dahil nanganganib hindi lamang ang mga [motovloggers] kundi pati na rin ang iba pang motorcycle rider at iba pang motorista na dumadaan sa nasabing highway,” sabi ni Mendoza.

“Sa pakikipagtulungan ng PNP at LGU, ilalagay namin sa bantay-sarado ang lugar na iyon at papanagutin ang sinumang magsagawa ng ‘daredevil stunts’ at iba pang uri ng motorcycle-riding exhibition,” dagdag pa ng LTO chief.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Hepe ng Rodriguez Police sibak sa ‘mistaken identity’

Sibak na sa tungkulin bilang pagtugon sa command responsibility ang hepe ng Rodriguez Police  matapos pumalpak ang kanyang tauhan sa pagbarik sa isang 15-anyos...