Panelo: 1.8 milyong INC na nag-rally, huwag maliitin

Share

HINDI dapat maliitin ninuman ang 1.8 milyong miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na nagsagawa ng rally nitong Enero 13 sa Quirino Grandstand.

Ito ang sagot ni dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo kaugnay sa ipinahayag ni ACT Teachers Partylist Congresswoman France Castro sa lingguhang ‘The Agenda’ media forum sa Club Filipino sa San Juan City kahapon ng umaga.

Sinabi kasi ni Castro na ang nasabing rally ay hindi sintimiyento ng mayorya ng sambayanang Pilipino dahil ayon sa mambabatas, 41% ang sumusuporta sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Idinagdag pa ni Castro na hindi pa aniya nagpapakita ang ‘silent majority’ at naghihintay lang ng tamang panahon para ilabas ang kanilang pagsang-ayon sa nasabing impeachment case.

Susog pa ni Castro na sa kabila nang hindi pag-usad ng naunang 3 impeachment case laban sa Pangalawang Pangulo, tiwala siya na itutuloy pa rin ito ng Kongreso kahit pagkatapos ng May 12, 2025 Midterm Elections sa bansa.

BASAHIN  VP Sara nangakong ‘di aatrasan mga alegasyon laban sa kaniya

Giit naman ni Panelo: “kung totoo nga na mayroon nang nakahandang 103 endorsers para sa ika-apat na impeachment case laban sa Pangalawang Pangulo, nangangahulugan lamang ito na dapat aniyang kilalanin ang lahat ng complainants.”

Batay kasi sa patakaran ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, maaari nang isumite ng deretso sa Senado ang nasabing impeachment case na hindi na dadaan sa iba pang proseso.

Ayon pa sa dati ring presidential spokesman, ang nasabing rally aniya ay hindi suporta sa panawagan ni Pangulong Marcos, Jr. na hindi dapat ituloy ang impeachment kundi “anti-Congress.”

“Isipin mo, 1.8 milyong katao. Napakadami niyan at hindi dapat maliitin,” dagdag pa ni Panelo.

Matatandaan na ang mga nagsipagsalita na mga ministro ng INC ay may mga “patama” hindi lamang sa ilang mga kilalang taga-suporta ni Pangulong Marcos, Jr kundi pati na rin sa ilang mga mambabatas na nagsusulong sa impeachment case laban kay VP Sara Duterte.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

DOTr, isapubliko ang supplier ng modern jeepneys – Sen. Koko

DAPAT isapubliko ang kumpanyang nagsu-supply ng modern jeepneys. Ito ang hamon ni Senate Minority leader Aquilino “Koko” Pimentel III kay Departmentof Transportation (DOTr) Secretary Jaime...