NAGING matagumpay ang ginanap na halalan kaninang hapon ng mga bagong opisyales ng National Capital Region Police Office Press Association (NCRPOPA) sa NCRPO Compound, Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Nagsilbing Election Committee Officers sina PMaj. Myrna Diploma, PEMS Meredith Deus, kapuwa ng NCRPO Public Information Office at JR Reyes, isa sa mga director ng National Press Club (NPC).
Ang mga bagong opisyales ng NCRPO Press Association ay sina President Lea Botones ng Remate, Neil Alcober ng The Daily Tribune bilang Vice President, Nep Castillo ng BRABO News bilang Secretary, Irwin Corpuz ng Police Files Tonite bilang Treasurer, P.R.O. naman si Knots Alforte ng MHE Balita ng Bansa, Sgt. At Arms naman sina Raffy Rico ng NoonBreak Balita at Fred Salcedo ng DRP TV at Police Files Tonite.
Ang nagwai naman bilang mga director ay sina Gina Plenago ng Bulgar, Joseph Muego ng Manila Standard, Jojo Sadiwa ng Police Files Tonite, Nolan Ariola ng Radyo Veritas/Leader News PH, Lorenz Tanjoco ng Radyo Pilipinas at Francis Soriano ng Saksi Ngayon.
Ang nasabing mga opisyales ay magsisilbi para sa taong 2024 hanggang 2026. Ang asosasyon ay may kabuuang miyembro na 23 mula sa iba’t ibang media companies.
Bagong mga opisyales ng NCRPO Press Association inihalal
Smart e-SIM, kaunaunahan sa Ph
P 3.5-M shabu nasabat sa 2 tulak sa Muntinlupa buy-bust
CEBB: Kakaibang kolehiyo sa likod ng rehas
₱100 dagdag sa daily minimum wage – Jinggoy
No permit, no exam sa schools, balak ipagbawal
Surigao del Sur, muling niyanig ng lindol
Mike Enriquez: Magalang na broadcaster, namaalam na
Paputok, open muffler na motor, bawal na sa Munti